Home » Entertainment » Relasyong Barbie at Jak, kinokontra

Relasyong Barbie at Jak, kinokontra

Bihirang magkita sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez dahil busy sila sa kanilang respective careers. Pero nananatili ang kanilang friendship na nabuo noong nagkatrabaho sila sa “My Husband’s Lover (MHL) .”

Bilang suporta ni Tom kay Dennis, ipinost niya sa kanyang Instagram account ang ginawa niyang digital art na ipinakita ni Tom ang 8-bit graphic photo ni Gabriel, karakter na ginagampanan ni Dennis sa “Mulawin Vs. Ravena,” ang Hari ng mga Ravena.

27barbie copy copy

Isa itong lumang paraan ng paggawa ng mga animated character kung saan pixelized ang itsura. Karaniwan na ngayon ang hyper-realistic animated characters, pero kakaiba ang taste ni Tom. Retro style ang kanyang drawing.

Pinasalamatan siya ni Dennis sa ginawa niyang graphic photo ni Gabriel. Natuwa angTomDen fans sa interaction ng dalawang Kapuso stars at wish nilang muling magkasama sa isang GMA show sina Tom at Dennis. Sana raw ay magkaroon ng part 2 ang MHL.

Kontra

Bakit kaya ang daming kumokontra sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto? May tsikang diumano’y may mga taong humaharang sa namamagitang “something” ngayon kina Barbie at Jak.

Hindi raw makakatulong si Jak sa career ni Barbie. On her way up to stardom na raw si Barbie at hihilahin lang daw ito pababa ni Jak.

Months ago, isinulat ng isang reporter na ang mommy pa ni Barbie ang nagsabing nagkakamabutihan na ang anak niya at si Jak. Inimbita pa nila ito sa isang family dinner nila.

Ang latest, diumano’y tutol na ang mommy ni Barbie sa relasyon niya kay Jak. Ano’ng nangyari? How true, nakiusap pa raw ang mommy ni Barbie sa management ng GMA na pigilan ang relasyon ng dalawa?

Kapuri-puri

Kapuri-puri si Sanya Lopez na sa mga interbyu sa kanya, hindi niya nakakalimutang pasalamatan ang yumaong Master Showman na si German Moreno.

Si kuya Germs ang nakadiskober kay Sanya. Minsang sumama si Sanya sa kanyang kuya Jak Roberto sa taping ng “Walang Tulugan” ay naispatan siya ni kuya Germs habang nakaupo at nanonood. Inalok siya nito na mag-join sa taping. Then, nai-guest siya nito sa iba’tibang GMA shows, hanggang naisama si Sanya sa “Encantandia.”

Sa “Haplos” ay solong bida na si Sanya. Nagsimula na ito kahapon at pilot week pa lang ay marami na agad pasabog ang GMA Afternoon Prime series na ito.

comments