Home » Entertainment » Greatest love ng aktres

Greatest love ng aktres

KUNG greatest love ng isang veteran actress ang isang ko-medyante, greatest love naman ng isang not so young actress ang aktor na nakarelasyon nito for several years.

Mahigpit ang pagtutol ng parents ng aktres sa relasyon nito sa aktor. Nag-live-in pa nga sila, pero hindi sila nagkaanak.

Unfortunately, naghiwalay din ang aktres at ang aktor. May mga bagay-bagay na na-realize ang aktres, kaya iniwan niya ang aktor. Humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang dahil sa pagiging pasaway na anak.

Sumunod na nakarelasyon ng aktres ay isang non-showbiz guy. Sa isang interbyu noon sa aktres, sinabi niyang greatest love niya ang hiniwalayang aktor. That time, may bagong karelasyon ang aktres na isa ring aktor. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Iniwan din ito ng aktres.

Non-showbiz guy uli ang sumunod na nakarelasyon ng aktres. Now, may kanya-kanya nang commitment ang ex-sweethearts.

Just curious, greatest love pa rin kaya ng aktres ang aktor na ex-boyfriend?

comments