Home » Headlines » Tanod patay sa pamamaril

Tanod patay sa pamamaril

By: Jean Fernando

Patay ang isang barangay tanod died nang pagbabarilin ng apat na nakamotorsiklong kalalakihan sa Las Piñas City noong Martes ng gabi.

Wala nang buhay ng idating sa Las Pinas General Hospital ang biktimang si Dindo Acompado, tanod ng Barangay Almanza II at residente ng TS Cruz Subdivision, Las Piñas City. Nagtamo siya ng anim na tama ng bala sa katawan.

Base sa police report, naganap ang insidente dakong 9 p.m. ilang metro ang layo mula sa bahay ng biktima.

Napag-alaman na nakatayo ang biktima malapit sa kaniyang tirahan nang biglang dumating ang apat na kalalakihan na nakasakay sa dalawang motorsiklong walang plaka at nakasuot ng helmet.

Sinabi ng witnesses sa police na pinaputukan ng apat na salarin ang biktima at saka mabilis na humarurot palayo.

Ayon sa police, nag-iimbestiga pa sila para malaman ang motibo ng pagpatay.

Aalamin din nila kung may CCTV sa crime scene.

comments