Home » News » News Roundup » Police asset binaril

Police asset binaril

Ni: Analou De Vera

Isa umanong police informant ang pinatay ng isang gunman malapit sa kaniyang bahay sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Liwanag Comia Jr., 38, matapos siyang pagbabarilin habang nakatayo sa Gate 6, Area A ng Parola Compound dakong 1 a.m.

Sinabi ng pinsan ng biktima na si Jayross, 22, na bago naganap ang pamamaril, sinabihan siya ni Comia na umuwi at matulog na.

Ilang minuto pa lang siyang nakakapasok sa bahay, nakarinig si Jayross ng mga putok ng baril.

Nang tumanaw siya sa labas, nakita niyang patay na ang pinsan sa kalye.

comments