Home » Entertainment » Baron Geisler tested negative for illegal drugs

Baron Geisler tested negative for illegal drugs

By Ruel J. Mendoza

Pinost kamakailan ng controversial and troubled actor na si Baron Geisler ang naging result ng kanyang latest drug test sa kanyang social media account na Instagram.

Nagpa-drug test noong nakaraang July 6 si Baron sa Citymedic Emergency Clinic and Diagnostic Center in Sta. Rosa, Laguna.

Nagpa-test ang aktor for Methamphetamine and Tetrahydrocannabinol substance.

Ginawa ito ni Baron dahil may ilang netizens angn akakapansin sa kanyang kakaibang behavior sa publiko.

Nitong mga nakaraang buwan ay muling nadawit na naman si Baron sa ilang mga gulo.

Kabilang na rito ay ang biglang paghamon niya ulit sa actor na si Kiko Matos na magharap sila sa URCC ring.

Kung matatandaan ay nagharap na ang dalawa sa URCC ring noong nakaraang taon dahil nagkainitan sila sa isang inuman.

Duda ng ilang netizens na baka gumagamit nang pinagbabawal na gamut si Baron dahil sa kanyang unpleasant and erratic behavior.

Sa paglabas ng drug test ng aktor, pinost niya ito agad sa kanyang IG account bilang patunay na walang nakitang illegal substance sa kanyang katawan.

In short, negative ang drug results ni Baron.

Caption pa ng 35-year old actor: “Mukha lang akong goons pero malinis ito.”

Umani ng iba’t ibang comments ang post na ito ni Baron. May ibang nagsasabi ng madaling manipulahin ang drug test ngayon.

Karamihan naman ay natuwa at umaasa na tuluyan nang maging maayos ang buhay ng aktor.

May ilan namang gusto ng makabalik na sa trabaho si Baron dahil nanghihinayang sila sa husay nito bilang aktor.

Simula noong mabigyan ito ng sanction ng PAMI (Professional Actors Managers Inc.) dahil sa naging insidente sa shooting ng indie film na “Bubog” with Ping Medina, hindi na nabigyan ng trabaho si Baron sa TV at pelikula.

Huling napanood si Baron ay sa pelikulang “Ma’ Rosa”. Sa TV ay huli siyang nag-guest sa “Karelasyon”.

comments