Home » News » News Roundup » Cigarette vendor binaril

Cigarette vendor binaril

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Patay ang isang cigarette vendor nang barilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng isang palenke sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa police, pinatay si Ronnie Gastalla, 45, sa loob ng Star Market na matatagpuan sa Quirino Highway sa Barangay Sta. Monica dakong 11:15 p.m.

Sinabi ni Senior Inspector Elmer Monsalve, chief ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit homicide section, na nagising ang market vendors sa sunud-sunod na putok ng baril bago natagpuan nilang nakalugmok sa lupa si Gastalla.

Walang nakakita kung sino ang gunman. Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng bala.

Sinabi ni Mosalve na kasalukuyan pa nilang inaalam ang motibo ng pagpatay kay Gastalla.

comments