Home » News » News Roundup » P55-M Makati footbridge

P55-M Makati footbridge

By: Anna Liza Villas-Alavaren

Pinasinayaan kamakailan ang bagong P55-million pedestrian overpass na may escalator sa Makati commercial district na itinayo para sa ligtas at maginhawang paglalakbay ng mga empleyado at residente sa naturang lugar.

Ang footbridge na itinayo ng Makati Commercial Estate Association (MACEA) sa Senator Gil Puyat Avenue ay mula RCBC Plaza Building hanggang sa Columns Ayala Avenue.

Ang proyekto ay bahagi ng tri-level pedestrianization program ng MACEA na binubuo ng underground passageways, on-grade covered sidewalks at elevated walkways.

Nakatakda ring itayo ng MACEA ang pangalawang overpass na magko-connect sa People Support Building at Makati Post Office. Inaasahang matatapos ito sa Abril ng susunod na taon.

comments