Home » News » News Roundup » 3 Makati establishments ipinasara

3 Makati establishments ipinasara

Ni: Anna Liza Villas-Alavaren

Ipinasara ng Makati City government ang tatlong establishments dahil sa illegal operation.

Inilabas ng Makati Business Permit Office (BPO) ang closure orders laban sa Dalat Authentic Vietnamese Cuisine na matatagpuan sa Brgy. San Antonio at Pimentel Welding Shop sa Brgy. Rizal dahil wala silang mayor’s permit para mag-operate.

Ipinasara rin ng BPO ang Loreamar Spa Services sa Brgy. San Antonio dahil sa pag-i-empleyo ng menor de edad, isang paglabag sa Section 4 of R.A. No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).

Ni-raid ng Makati police ang naturang parlor spa noong June 28, sa tulong ng anim na tauhan ng Makati Social Welfare Department.

May kabuuang 230 establishments na ang ipinasara ng administration ni Mayor Abby Binay simula Hulyo ng nakaraang taon.

comments