Home » News » News Roundup » Bata nalunod sa Tondo river

Bata nalunod sa Tondo river

By: Jaimie Rose R. Aberia

Isang batang lalaki na nasa edad pito hangang 10 ang nalunod nang aksidenteng mahulog sa Vitas River sa Tondo, Manila, habang nanunuod ng mga batang lumalangoy.

Inaalam pa ng police ang pangalan ng biktima na may taas na 4’2”, kayumanggi at payat.

Ayon kay Senior Police Officer 2 Jonathan Ruiz ng Manila Police District homicide section na pinanunuod ng biktima ang mga batang naglalaro sa ilog dakong 3:15 p.m. nang biglang mahulog sa tubig.

Humingi ng tulong ang mga kalaro ng bata sa mga lalaking naba-basketball malapit sa ilog.

Kaagad na rumesponde ang mga kalalakihan at binigyan ng first aid ang biktima bago siya isinugod sa Tondo Medical Center kung saan siya idineklarang dead on arrival. Walang nakitang external injuries sa katawan ng bata.

comments