Home » News » News Roundup » Lotto outlet ninakawan

Lotto outlet ninakawan

By: Martin A. Sadongdong

Tinangay ng isang armadong lalaki ang P15,000 kita ng isang lotto outlet sa Pasay City nang holdapin niya ang babaeng teller nito noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PO3 Mario Golondrina ang biktima na si Jackylou Mamaril, 21, ng No. 15B Conchita St., Barangay 128, Pasay.

Nag-iimbestiga pa ang police para makilala ang suspect na nakasuot ng black hooded jacket, black short pants at tsinelas.

Sinabi ni Mamaril sa police na nagwawalis siya sa tapat ng lotto outlets sa Arnaiz corner M. Dela Cruz Streets dakong 8:30 p.m. nang hablutin siya sa leeg ng suspect at tutukan ng patalim sa baywang.

Inutusan ng suspect si Mamaril na pumasok sa lotto outlet at pinuwersa siyang buksan ang vault kung saan nakatago ang pera.

Matapos makuha ang pera, mabilis na tumakas ang holdaper. Pinag-aralan ng mga imbestigador ang closed-circuit television (CCTV) sa naturang lugar para makilala ang suspect.

comments