Home » Entertainment » Bianca, naka-reserba na ang puso kay Miguel

Bianca, naka-reserba na ang puso kay Miguel

SORRY na lang si James Teng na nagsabing willing siyang maghintay kay Bianca Umali. Vocal ang basketball player sa admiration niya kay Bianca na anang huli, walang hihintayin si James dahil naka-reserved na ang puso niya kay Miguel Tanfelix.

What you see, is what you get ang estado ng kanilang relasyon, ayon sa “Mulawin vs. Ravena” star. Ani Bianca, wala siyang ibang crush kundi si Miguel lang. Minsan nga raw ay napag-uusapan nila na what if, sila ang magkatuluyan?

20Bianca Umali copy copy

Gusto niyang sa first travel niya abroad ay si Miguel ang kasama niya. Nangako naman ang huli na tutuparin niya ‘yun.

Aware si Miguel na maraming boys ang may gusto kay Bianca. Naiinis siya, pero wala pa naman daw siyang karapatan. Gusto na nga niyang ligawan si Bianca, pero kailangan pa niyang maghintay ng one year kapag 18 years old na ito.

Five years na ang BiGuel love team na anila, hindi pa sila ready na paghiwalayin ang kanilang love team. Alam naman daw nilang darating din ‘yun at wala silang magagawa kung management decision ‘yun ng GMA.

Kinilig

Kasama si Joey Marquez sa cast ng “Finally Found Someone” topbilled by John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Sa ipinakitang trailer nito noong presscon, inamin ni Joey na sa tanda niyang ‘yun ay kinilig siya kina John Lloyd at Sarah.

Kakilig-kilig naman talaga ang mga ipinakitang eksena ng dalawa. Ang lakas ng screen chemistry nina John Lloyd at Sarah kahit off-camera ay alam mong hindi naman “sila.”

Very much happy si Sarah sa relasyon nila ni Matteo Guidicelli. Si John Lloyd, wala pang inaaming bagong girlfriend since nag-break sila ni Angelica Panganiban. May mga sightings pa rin na magkasama sila sa ilang events. Noong nakaraang birthday ni JLC ay ‘andun si Angelica sa celebration ng aktor.

Kahit happy si Sarah with Matteo, hindi pa rin niya masabi kung she has finally found someone. Hindi raw siya nag-e-expect. Aniya, may nabasa siya na life is never perfect. Marami pa ring problema. Marami pa rin siyang hinahanap.
“Happiness is a choice. Life is too short para hindi ka maging honest sa isang tao. Make that person feel loved kapag nakita mo siya. Wish and pray for the best. Pero na kay Lord pa rin ‘yun,” saad ni Sarah.

comments