By: Vanne Elaine P. Terrazola
Isang 85-year-old businesswoman ang pinatay at ninakawan sa loob ng kaniyang tahanan sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa police report, natagpuang duguan at wala nang buhay si Priscilla Fernandez sa kusina ng kaniyang bahay sa Sto. Domingo Street, Barangay Sto. Domingo, bandang 1 p.m. Nawawala ang mga alahas ng biktima.
Sinabi ni Senior Inspector Elmer Monsalve, chief ng QCPD homicide section, na pangunahing suspect sa pagpatay ang houseboy ng biktima na kilala lamang sa tawag na “RJ”. Wala na sa loob ng bahay ang suspect nang matagpuang patay si Fernandez.
Ayon kay Monsalve, ang anak na babae ang nakakita sa bangkay ng biktima nang bisitahin niya ang ina sa bahay.
Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Fernandez, base sa police investigation.
Na-recover ng police ang isang kitchen knife sa lababo at nakuhanan ito ng fingerprints.
Sinabi pa ni Monsalve na nagkalat din ang gamit sa silid ng biktima. Wala na rin sa bahay ang kagamitan ni RJ.
Nawala rin ang closed-circuit television cameras at recordings sa bahay ni Fernandez.
Naglunsad ng manhunt operation ang police laban kay RJ.
43876 912224Some times its a discomfort in the ass to read what folks wrote but this site is real user genial ! . 158050
151958 919112Deference to op , some superb entropy. 451229
805907 859976An fascinating discussion is worth comment. I believe which you want to write more on this matter, it may possibly not be a taboo topic but generally individuals are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 367925