Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » PCO network sa Caraga region

PCO network sa Caraga region

BUTUAN (PIA) – Kasabay sa kanyang pagbisita sa lungsod ng butuan, binuo rin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang bagong Provincial Communication Officers (PCO) Network sa probinsya ng Agusan del Norte sa Caraga region kamakailan.

Sinabi ni Sec. Andanar na mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga Public Information Officers (PIO) sa mga lokal na pamahalaan ng rehiyon.

Ayon sa kanya, ang mga information officers ng ibat-ibang probinsya ay tumutulong sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon patungkol sa mga serbisyo at programa ng gobyerno na dapat malaman ng mamamayan lalung-lalo na doon sa liblib na lugar ng kani-kanilang nasasakopang bayan.

Sa pamamagitan ng PCO Network, mas lalo pang titibay ang magandang relasyon ng PCOO, PIA at mga information officers sa rehiyon, ayon kay Andanar.

comments