Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Volunteers sa R-12, paparangalan

Volunteers sa R-12, paparangalan

KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Handa na ang Regional Search Committee (RSC) XII- Technical Working Group (TWG) para sa inisyal na ebalwasyon sa mga nominado sa Search for Outstanding Volunteers (SOV) ngayong taon.

Ayon kay Evie Cabulanan ng Development Research Division ng National Economic and Development Authority (NEDA) XII at RSC secretariat, nakalatag na ang schedule sa gagawing field validation.

Aniya, magsisimula ang gagawing pagbisita at pakikipanayam sa mga nominado sa August 1 hanggang 10. Sa ngayon, mayroong apat na nominado sa Individual- Adult Category at isa naman sa Organization- Not-for-Profit Category.

comments