Home » News » News Roundup » 2 inmates patay dahil sa init sa detention cell

2 inmates patay dahil sa init sa detention cell

BY: Analou De Vera

Dalawang inmates ang namatay habang isa pa ang isinugod sa ospital matapos mawalan ng malay dahil sa sobrang init sa detention cell ng Malate Police Station.

Kinilala ng police ang mga nasawi na sina Michael Justiniave, 44, residente ng Quezon City, at Rolly Olarte, 37, ng Pasay City.

Under observation naman sa Ospital ng Maynila ang isa pang inmate na nakilalang si Ronaldo Maniquis, ayon kay SPO2 Charles Duran ng Manila Police District (MPD) Crime Against Persons Investigation Section.

Base sa initial investigation, nawalan ng malay ang tatlong inmates dahil sa sobrang init sa loob ng detention cell.

Isinugod ng jail officers ang tatlo sa Ospital ng Maynila kung saan idineklarang dead on arrival sina Justiniave at Olarte.

Sinabi ni Duran na 70 katao lamang ang kapasidad ng detention cell ngunit sa kasalukuyan ay may 114 na ang nakakulong doon.

Noong nakaraan Mayo 4, namatay ang detenidong si John David Gagalangin, 31, dahil din sa sobrang init sa kulungan.

comments