Home » Entertainment » Alessandra, Empoy thankful for good comments and reviews

Alessandra, Empoy thankful for good comments and reviews

By Glen P. Sibonga

Tuwang-tuwa at nagpapasalamat sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa mga papuri at magagandang komentong natatanggap nila para sa mahusay nilang pagganap sa pinagbibidahan nilang pelikulang Kita Kita sa ilalim ng Spring Films at Viva Films, na showing na sa mga sinehan nationwide.

Nagsimula ang mga papuri matapos ang matagumpay nilang celebrity screening na ginanap sa Trinoma Cinema 7 noong July 18. Pagkatapos ng screening dumagundong ang sinehan sa masigabong palakpakan at hiyawan hindi lang para kina Alessandra at Empoy kundi pati sa director nilang si Sigrid Andrea Bernardo dahil sa mahusay nitong pagdirihe at pagtahi ng istoryang Kita Kita.

Alessandra de Rossi and Empoy Marquez (Instagram)

Alessandra de Rossi and Empoy Marquez (Instagram)

Siyempre para rin sa producers nito mula sa Spring Films na sina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal, at Erickson Raymundo.

Napuno nga ng tawanan at pagbati ang interview ng media people kina Alessandra, Empoy, at Direk Sigrid.“Para po kayo ng mga zombie napalapit, wala akong kalaban-laban. Ganito pala maging sikat. Ayoko ng ganitong buhay,” biro ni Alessandra. “Super excited kasi ang tagal na naming itong hinihintay. Go Direk!”

Ayon naman kay Direk Sigrid, “Anniversary kasi naming ngayon, kasi one year na simula noong ginawa ko itong film. Excited na kami naipalabas ito. Sana mag-enjoy ang mga tao.”

Tanong naming kay Empoy, hindi pa rin ba siya makapaniwala na leadingman na ang level niya sa pelikulang ito? “Parang nananaginip lang ako e. Sa wakas po nagkita-kita na tayo,” ani Empoy.

Nataon naman na ang playdate ng “Kita Kita” na July 19 ay birthday din mismo ni Alessandra. “Ang gandang birthday gift sa akin na naipalabas itong pelikula. So, sana makatanggap ako ng birthday gift sa mga tao, sana panoorin niyo ’yung pelikula.”

Nagpapasalamat nga sila sa mga sumuporta sa kanilang premiere night at special screening lalo na sa mga dumalong press people at celebrity friends nila. Star-studded nga ito dahil nagsama-sama ang mga artista mula sa ABS-CBN, GMA, at TV5. Kabilang sa mga namataan naming sina Vice Ganda, Angel Locsin with rumored boyfriend Neil Arce, Iñigo Pascual, Erik Santos, Angeline Quinto, mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes, mag-asawang Yeng Constantino at Yan Asuncion, mag-boyfriend na KZ Tandingan at TJ Monterde, soon to wed couple Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Direk Jun Lana, Xian Lim, Mark Oblea, Meg Imperial, Ritz Azul, Mark Neumann, Akihiro Blanco, Dennis Padilla, mag-asawang Noni at Shamaine Buencamino, magkapatid na Nicco at Bench Manalo, AJ Muhlach, Phoebe Walker, Maris Racal, Ella Cruz, Julian Trono, at marami pang iba.

Siyempre sumuporta rin sa movie lalo na kay Alessandra ang rumored boyfriend niyang si Marc Abaya. Tinukso nga ang aktres ng mga press at sabi niya, “Of course, I invited him, personal invitation through text.” Umiwas na ang aktres nang matanong tungkol sa status ng relationship nila ni Marc.

comments