Home » Entertainment » Comedienne Divine Aucina says ‘Dear Uge’ will not be replaced

Comedienne Divine Aucina says ‘Dear Uge’ will not be replaced

by Ruel J. Mendoza

THANKFUL ang Kapuso comedienne na si Divine Aucina dahil going strong pa rin ang show nila ni Eugene Domingo na “Dear Uge.” Nagulat daw sila sa lumabas na balitang papalitan na raw sila ng ibang show.

“Medyo napraning kaming lahat doon. Pero hindi naman pala totoo.

“Kasi every Sunday, panalo kami sa ratings. Nag-celebrate kami ng first anniversary noong nakaraang February at tuluy-tuloy ang pagtaas ng ratings namin.

Divine Aucina (Instagram)

Divine Aucina (Instagram)

“Tsaka lumalaki na rin ang pamilya ng ‘Dear Uge’ dahil kasama namin sina Jak Roberto, Aaron Yanga, Atak, Boobay, Ate Gay at iba pang mga komedyante.
“Kaya nagtutulungan kami para lalong mas mapaganda at matuwa ang mga nanonood ng ‘Dear Uge,’” ngiti pa ni Divine.

Excited din si Divine dahil kasama siya sa bagong teleserye ni Heart Evangelista-Escudero na “My Korean Jagiya.”

Ito nga raw ang kauna-unahang teleserye na magiging regular cast si Divine at natutuwa siyang katrabaho si Heart.

“Sa story, relatives kami ni Heart. Nakatira kami sa isang malaking compound at magkakapitbahay kaming magkakamag-anak.

“Yung tipong kapag may problema sa isang bahay, alam ng lahat at dumadamay. Kapag may nagluto ng masarap, magiging ulam siya ng buong compound.

“Masaya ang buong cast, tsaka first time ko silang makatrabaho tulad nila Ricky Davao, Janice de Belen, Inah de Belen, Jake Vargas at marami pang iba.

“Kapag may nagtatanong sa akin kung ano role ko sa ‘My Korean Jagiya,’ sinasabi ko na pinsan ako ni Heart. Iisa lang ang reaction ng mukha nila na parang gulat!” sabay tawa pa ni Divine.

Wala nga raw clue si Divine kung sino ang Korean actor na gaganap na partner ni Heart sa teleserye.

“Clueless po ako. Kasi si Heart lang ang nag-shoot sa South Korea.

“Pero dito sa Pilipinas, si Edgar Allan Guzman ang partner niya.

“Akala ko nga, pati ako may Korean na ka-partner. Si Heart lang pala!” natatawang pagtapos pa ni Divine Aucina.

comments