Home » Entertainment » Aktor, na-trauma sa gay reporter

Aktor, na-trauma sa gay reporter

ALOOF pa rin sa press ang isang aktor. Deadma-to-the max ito sa mga reporter na dumalaw sa taping ng show na kinabibilangan ng aktor.

Nagtaka ang isang reporter dahil noong dumalaw ito kasama ang ilang kapatid sa hanap-buhay sa isang show noon na kinabilangan ng aktor ay magiliw itong nakipagtsikahan. Sinabi pa nito na nag-enjoy siya dahil wholesome ang mga tanong sa kanya.

Na-trauma raw kasi ang aktor sa isang gay reporter na mga kalaswaan ang itinanong sa kanya noong baguhan pa lang siya.

Hindi naman kasama ang naturang gay reporter ng mga entertainment writer na dumalaw sa taping ng ongoing series na kinabibilangan ng aktor. Wholesome writers ang mga ‘yun, pero deadma lang ang aktor.

Kahit simpleng “Hi!” or “Hello!” wa care ang aktor na busy-busyhan sa pakikinig ng music o pagbabasa ng script.

Deadmatic pa rin ito kahit ipinainterbyu ng executive producer ang mga bagets na kasama nito sa series.

Bago nagpainterbyu ang mga ito, lumapit sila sa aktor at bumati. Kapuri-puri ang pagbibigay-galang ng mga bagets sa aktor.

Gusto sanang interbyuhin ng entertainment writers ang aktor. Pero sumenyas ang executive producer na busy daw ito sa pagre-rehearse.

Hanggang paalis na ang entertainment writers, deadma ang aktor na busy-busyhan. Palaisipan kung suplado, aloof o sadya bang hindi press-friendly ang aktor? O, baka naman wala lang talaga ito sa mood magpainterbyu? Whatever!

comments