Home » News » News Roundup » Driver pinatay sa loob ng jeep

Driver pinatay sa loob ng jeep

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Pinagbabaril hanggang sa mamamatay ang isang jeepney driver sa Quezon City noong Linggo ng umaga. Ayon sa police report, nasa loob ng kaniyang jeepney ang biktimang si Rommel Aguilar, 36, ng Pitong Gatang Street,Barangay Balon Bato, nang barilin ng hindi killalang lalaki.

Sinabi ni Police Officer 3 Virgilio Mendoza, may hawak ng kaso, nakaparada ang sasakyan ni Aguilar sa service road ng Quirino Highway nang maganap ang pamamaril dakong 1:40 a.m..

Walang nakakita ng actual na pagpatay. Nakita na lamang ng bystanders na tadtad ng bala at patay na si Mendoza sa loob ng kaniyang jeep.

Siyam na basyo ng bala ang na-recover the crime scene, ayon sa police. Sinabi ni Mendoza na maaring hinoldap si Aguilar dahil nawawala ang kaniyang cellphone at kinita sa pamasada.

comments