Home » Headlines » 3 lalaki patay sa pamamaril

3 lalaki patay sa pamamaril

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Patay ang tatlong magkakapitbahay nang pagbabarilin ng isang grupo ng kalalakihan habang naglalaro ng “cara y cruz” sa Quezon City noong Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Michael Angelo Baculi, 26, Crisanto Aquilato, 21, at isang Jose Jocon, mga residente ng Barangay Bagong Silangan. Pinatay sila sa General Mascardo Street dakong 12:01 a.m.

Base sa initial investigation, nag-lalaro sina Baculi at Aquilato ng “cara y cruz” nang dumating ang mga armadong kalalakihan at bigla silang pinaputukan ng baril.

Habang papatakas ang gunmen, binaril din nila si Jocon na noo’y nakaupo sa kalapit na barong-barong. Inaalam pa ng police ang motibo ng pagpatay sa tatlo.

comments