Home » Entertainment » Jak and Barbie, more than friends

Jak and Barbie, more than friends

MAS pinapaniwalaan ng press ang pahayag ni Jak Roberto tungkol sa estado ng relasyon nila ni Barbie Forteza. Kung hindi diretsang maamin ni Barbie na officially together sila, they’re more than friends ang sinabi ni Jak sa mga nakausap na reporters kamakailan.

Untitled-1 copy

Sinabi pa ni Jak na lumalabas sila ni Barbie, nanonood ng sine at kumakain sila sa labas.

Barbie is turning 20 on July 31. Carry na niyang makipag-date at pwedeng isiping she’s responsible enough to take care of herself.

Magta-travel na nga siya mag-isa papuntang USA next month for a two-week vacation. Dadalawin na rin niya ang sister niya sa Chicago.

First trip abroad ‘yun ni Barbie na walang kasama.

Going back sa relasyon nila ni Jak, ayon pa sa binata, naging close na siya sa pamilya ni Barbie noong magtatapos na ang “Meant to Be” na pinagsamahan nila.

Thankful si Jak na welcome siya sa pamilya ni Barbie, taliwas sa lumabas na balitang tutol ang mga ito sa kanya. May tsika pang diumano’y nakiusap ang mommy ni Barbie sa GMA management na pagsabihan ang dalaga na putulin na ang pakikipag-relasyon kay Jak.

Diumano’y makakasira lang si Jak sa pabonggang career ni Barbie.

May mga nag-aakusa pang diumano’y ginagamit lang ni Jak si Barbie for his career.

comments