Home » Entertainment » Sunshine Dizon considers GMA-7 her home

Sunshine Dizon considers GMA-7 her home

by Ruel J. Mendoza

Nag-renew ng kanyang exclusive contract with GMA-7 ang aktres at bida ng top-rating afternoon drama series na “Ika-6 Na Utos” na si Sunshine Dizon noong nakaraang July 27.

Isang loyal Kapuso si Sunshine at hindi na siya nagdalawang-isip na muling pumirma with GMA-7 na kinukunsidera niya bilang tahanan na niya.

Sunshine DizonPresent during her contract signing were GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth Rasonable, and Perry Lansigan, Sunshine’s manager.

Simula pa noong teen actress pa si Sunshine, malaki na ang naging parte ng GMA-7 sa buhay niya.

Lumabas si Sunshine sa mga shows ng GMA-7 at Viva Television na “TGIS” at “Anna Karenina.”

“This has always been my home, and it gives me great pleasure and security that I will be spending years with my family pa rin.

“Thank you very much to Mr.Gozon and everyone here in GMA for the trust that they have continued to give me.

“Masasabi ko naman na ever since I started in GMA, talaga namang iningatan talaga lahat ng projects na binigay sa akin and it really honed me as an actress.

“I always look forward to the stories that they give me kasi it always challenges me.

“There is always that mutual respect with things that I can do and I cannot do, and they have always taken good care of me talaga.”

Proud naman na sinabi ni Atty. Gozon na kakaiba ang mga naging achievement ni Sunshine sa Kapuso network, lalo na ang success ng kinabibilangan nito na “Ika-6 Na Utos.”

“Si Sunshine is homegrown. Nakita mo naman kung paano tayo magpalaki. Hindi lang tumatangkad, gumagaling na artista pa. Siyempre tuwang-tuwa tayo at hindi ko naman puwedeng isipin na hindi ditto si Sunshine sa GMA.”

Ilang beses nang nagbida si Sunshine sa ilang mga teleserye ng GMA-7 tulad ng “Ikaw Lang Ang Mamahalin”, “Kung Mawawala Ka”, “Encantadia”, “Bakekang”, “La Vendetta”, “Impostora”, “All About Eve” at “Tinik Sa Dibdib.”

comments