Home » Entertainment » Second chance for Winwyn Marquez

Second chance for Winwyn Marquez

DREAM talaga ni Winwyn Marquez maging beauty queen tulad ng kanyang tita Melanie (Marquez) na former Miss International. First try ni Winwyn sa Binibining Pilipinas 2015. Lost ang beauty niya at thank you girl lang si Winwyn.

1wyn wyn marquez instagram copy copy

Si Pia Wurtzback ang nanalo at wagi rin bilang Miss Universe 2015. Second try ni Winwyn sa beauty pageant this year at balitang nakapasok na siya sa official candidates para sa Miss World Philippines 2017. Wait na lang sa official announcement ng organizers.

Kinakarir ni Winwyn ang training at pag-e-ensayo sa gym bilang paghahanda sa gaganaping beauty pageant na hopefully, makuha niya ang korona at maging representative ng Pilipinas sa Miss World title tulad ni Megan Young na Miss World 2013.

Napapanood si Winwyn sa “Mulawin vs. Ravena.” Pumasok na rin ang karakters nina Glaiza de Castro at Mikee Quintos bilang sang’gre Pirena at Lira. Manghang-mangha sila sa set ng MVR na ani Mikee, mas bongga sa “Encantadia.” Sa MVR, muling masisilayan ang pagkakikay ni Mikee sa kanyang karakter at magpapakita rin siya ng galing sa magic.

Hindi isyu

Hindi isyu kay Derek Ramsay kung bida, kontrabida o support lang siya sa “Amo,” mini-series na ginawa niya sa TV5.

Twelve episodes ito na mapapanood every Sunday simula August 20 at 9:30 pm.

Ani Derek sa presscon ng “Amo,” big challenge sa kanya ang anti-hero role. Hindi siya choosy at mas mahalaga sa kanya ang material. Noong nabasa niya ang story ng “Amo,” agad niyang tinanggap dahil gusto niyang maging bahagi ng naturang project na si Brillante Mendoza ang direktor.

Hindi pa ipinakita ang karakter ni Derek bilang isang pulis sa pilot episode ng “Amo,” pero wala siyang reklamo. Wala rin siyang reklamo sa squatter’s area at mga eskinitang pinagkunan ng mga eksena niya, maging sa stand-by area niya at tent na walang aircon.

Busy pa

Last May nag-propose ng kasal si Pancho Magno kay Max Collins. Pero next year pa ang kanilang Christian wedding.

Kasapi sila sa Victory Christian Fellowship. Ani Pancho, parehas pa silang busy ni Max sa kanilang respective projects sa GMA7.

Napapanood si Pancho sa “Haplos” at may upcoming series naman si Max. Third wheel si Pancho sa pag-iibigan nina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa “Haplos” na napapanood sa GMA Afternoon Prime. Paigting nang paigting ang mga kaganapan na dapat tutukan.

comments