Home » Headlines » ‘Angkas’ rider na-comatose sa accident

‘Angkas’ rider na-comatose sa accident

By: Chito A. Chavez

Ipapatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang motorcycle rider at driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na nasangkot sa road accident kung saan malubhang nasugatan ang isang back rider sa Nagtahan, Manila, noong July 15.

Ayon sa report, comatose pa rin si Alejandro Cajano, 23, isang commuter na kinuha ang serbisyo ng isang motorcycle driver gamit ang Angkas app.

Sinabi ni LTO chief at Transportation Assistant Secretary Edgar Galvante na gusto niyang maimbestigahang mabuti ang road accident.

Nais niyang malaman kung ano ang mga batas na nilabag ng mga driver ng naturang motorsiklo at SUV.

comments