Home » Entertainment » Barbie, kahit bawal, kilig pa rin kay Jak

Barbie, kahit bawal, kilig pa rin kay Jak

IDEAL family sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel and their two children, Maverick and Cassy. Kainggit-inggit ang samahan ng mag-anak base sa napanood naming bonding moments nila sa Batanes na itinampok sa “Road Trip” sa GMA7.

Ipinakita ang kagandahan ng Batanes na parang sa ibang bansa ‘yun. Ayon kay Carmina, ideal family ang tingin sa kanila ng karamihang tao, pero tulad din sila ng pangkaraniwang pamilya na nagkakaroon ng tampuhan.

2jak n barbie instagram copy

Ayon naman kay Zoren, hindi siya “sinasakal” ni Carmina sa kanilang relasyon at hinahayaan nitong mag-feeling single siya. Mukha ngang super understanding and supportive wife si Carmina.

Ang ganda rin ng samahan ng kambal nilang anak. Halatang super close sina Maverick at Cassy na ani Maverick, best friends sila. Kapuri-puri ang pagpapalaki nina Zoren at Carmina sa kanilang kambal.

Ayon kay Zoren, mas istrikto siya kay Maverick dahil tine-train niya ito para magkaroon ng leadership at makapag-decide on his own. Gusto ni Maverick mag-aral abroad. Ayaw ni Zoren at pag-uusapan pa raw nila ‘yun.

Kung talagang ‘yun ang gusto ng anak niya, kailangang buung-buo ang desisyon ni Maverick. Inglisero’t inglisera ang kambal, pero carry din nilang magsalita ng tagalog. Napaka-pleasant ng kanilang personalities na hindi pa-sosyal, hindi jologs. Sakto lang!

Instant sikat

Instant sikat si Empoy Marquez dahil sa box-office success ng movie nila ni Alessandra de Rossi. Pasalamat sila kay Piolo Pascual na isa sa mga producer at sinugalan sila. Balitang naka-R200-million and still counting ang kinita (kinikita) ng “Kita Kita.”

Huwag lang sanang ikalaki agad ng ulo ni Empoy ang biglang pagsikat niya. Namnamin na lang niya ang blessing na dumating sa kanya. Baka ma-one time, big time siya.

Si Sharon Cuneta, nagpahayag ng naising makatambal sa pelikula si Empoy. Kung hindi kaya kumita ang pelikula nito, hangarin pa rin kaya ng megastar makatrabaho si Empoy?

Kinikilig

Mukhang kahit pinagbawalan (diumano) si Barbie Forteza na magsalita tungkol sa relasyon nila ni Jak Roberto, hindi pa rin maitago ang kanyang kilig kapag nababanggit ang Kapuso hunk young actor.

Bakit ba kasi kailangang pagbawalan? Birthday wish ni Barbie ay tumagal ang relasyon nila ni Jak.

She turned 20 on July 31 at US vacation ang birthday gift ni Barbie sa sarili niya. Paalis siya on August 14 at mag-isa lang siya magbibiyahe.

comments