Home » Entertainment » Diana Zubiri loves being hands-on

Diana Zubiri loves being hands-on

By RUEL J. MENDOZA

ISA sa sikreto ng aktres na si Diana Zubiri kung bakit name-maintain nito ang sexy niyang katawan ay dahil sa pagiging hands-on mom siya sa dalawang anak niyang sina Achilles at Aliyah Rose.

Ayon sa aktres, wala raw silang yaya ng kanyang mister na si Andrew Smith at pareho silang hands-on sa mga bata.

2diana zubiri instagram copy copy

“Parang iyon na rin ang bonding time naming dalawa sa mga bata.

“Gusto rin kasi ni Andy na ma-experience niya ang maging hands-on dad kay Aliyah.

“Ako kasi, nagawa ko na iyon noon kay Achilles noong baby siya.

“Although meron naman kaming kasambahay na tumutulong sa paglinis at pag-asikaso ng bahay, pagdating sa mga bata, sa amin ‘yan ni Andy.

“Masarap lang sa feeling na involved kaming dalawa sa pag-alaga sa mga bata.

“At the same time, parang nae-exercise ka rin. Nagagalaw mo ang buong katawan mo sa pag-alaga sa mga bata.”

Masipag din mag-workout si Diana dahil na rin sa kanyang mister na si Andy na isang commercial model at winner ng Mossimo Bikini Summit noong 2007.

“Si Andy ang laging nagsasabi na mag-workout kami ng sabay.

“Pinu-push niya ako na maging fit at bumalik ‘yung dating figure ko.

“Especially after a few months na ipinanganak ko si Aliyah. Medyo tumaba talaga ako.”

Pero isa sa naging dahilan ng pagbawas agad ng timbang ni Diana ay ang pagpapa-breastfeed.

“Malaki rin ang nagawa ng pagpapa-breastfeed ko to lose weight.

“Hanggang ngayon naman nagpapa-breastfeed pa rin ako kay Aliyah who will turn one-year old sa August 14,” ngiti pa niya.

Pagkatapos ng “Encantadia,” wala pa raw regular na teleserye si Diana. Pero nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng guestings.

comments