Home » Entertainment » Dennis, invited sa debut ng anak

Dennis, invited sa debut ng anak

DEBUT party ni Claudia Barretto on August 5 at invited ang kanyang papa Dennis Padilla. Kaya lang, bakit hindi siya mismo ang nag-imbita sa kanyang papa Dennis at idinaan pa niya ‘yun sa kapatid niyang si Julia?

Para namang hindi sincere ang pag-imbita ni Claudia. Hindi ba siya pwede makadiretso ng pag-imbita sa sarili niyang ama? Nakausap ng isang reporter si Dennis at nasabi nito na ipinaimbita siya ni Claudia sa debut nito sa pamamagitan ni Julia.

3claudia instagram copy

Nahihiya kaya si Claudia o naiilang siya dahil may isinampa siyang petisyon para maging legal na Barretto ang apelyido niya at hindi Baldivia na tunay na apelyido ng kanyang papa Dennis?

Si Julia ay may gano’n ding petisyon, pero iniatras na niya ‘yun. Umaasa si Dennis na gano’n din ang gagawin ni Claudia.

Maayos na ngayon ang relasyon bilang mag-ama nina Dennis at Julia. Good karma na si Julia at gumanda na ang takbo ng kanyang career.

Si Claudia naman ay nagsisimula pa lamang sa kanyang recording career at nawa’y maging maayos na rin ang relasyon nila ng kanyang papa Dennis para good karma rin siya.

Deadma

Sa isang interbyu, kinumpirma ni James Reid ang sinabi ni Nadine Lustre tungkol sa live-in issue sa kanilang dalawa.

Parehas sila ng katwiran ni Nadine na walang masama kung magka-live-in ang magboyfriend-girlfriend na relasyon.

Pareho silang walang pakialam sa mga bumabatikos sa kanilang live-in set-up. O, di sige, pabayaan na lang sila sa kanilang trip. Kung ang respective families nga nila’y walang nagawa sa kanilang choice, ano pa kaya ang ibang tao?

Deadma na lang sila sa kanilang bashers/haters.

Kabugan

Hindi nagpakabog si Kiko Estrada kay Derrick Monasterio. Nagpakita rin siya ng abs sa “Mulawin vs. Ravena.” Enjoy naman ang beki viewers kapag nasa-sight nila ang abs ng dalawang Kapuso actors.

Mukhang nagpapatalbugan din sina Kiko at Derrick sa aktingan. Si Kiko ang hari ng mga Ravena, hari naman ng mga Mulawin si Derrick. Magiging magkaribal din sila sa atensiyon ni Bea Binene.

May kilig factor naman ang love angle kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. May kissing scene pa ang dalawang bagets.

Looking forward ang fans nina Derrick at Bea na magkaroon din sila ng kissing scene sa MVR. Abang-abang na lang.

comments