Home » News » News Roundup » Holdup suspect dedo sa shootout

Holdup suspect dedo sa shootout

By: Jaimie Rose R. Aberia

Patay ang isang holdup suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis malapit sa Metropolitan Theater sa Ermita, Manila, Martes ng gabi.

Base sa initial investigation, nakatanggap ang police ng report tungkol sa isang holdup incident na kinasasangkutan ng suspect na nakilalang si Jinggoy Baholo, 26, nakatira sa ilalim ng MacArthur Bridge malapit sa Plaza Lawton.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Lawton Community Precinct laban kay Baholo sa tapat ng Metropolitan Theater sa P. Burgos Street dakong 10:15 p.m..

Nang nilalapitan na siya ng mga pulis, bigla umanong kumuha ng sumpak ang suspect at pinaputukan ang mga alagad ng batas. Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si Baholo.

comments