Home » Headlines » Bangkay ng babae sa garbage bag

Bangkay ng babae sa garbage bag

By: Jean Fernando

Isang bangkay ng babaeng nakalagay sa isang black garbage bag ang itinapon sa highway ng Taguig City kahapon ng umaga.

Base sa report ng Taguig City Police, ang biktima na hindi pa nakikilala ay may taas na 5’4”, nakasuot ng puting bulaklaking long sleeved t-shirt at itim na leggings. May tama siya ng bala sa dibdib.

Ayon sa report ng Taguig City Police na ibinigay sa Southern Police District (SPD), nadiskubre ang bangkay bandang 10:50 a.m. sa C-6 Highway, Tambakan Area, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Agad na ini-report ng barangay officials ang nakitang bangkay sa Police Community Precinct (PCP) 4.

comments