Home » Entertainment » New look ni John Lloyd

New look ni John Lloyd

DINUMOG ng Kapuso fans ang basketball exhibition game ng “Mulawin vs. Ravena” male stars na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Team Mulawin ang nagwagi at tinanghal na Most Valuable Player at Mandaragit Award (Best Long Shot Player) si Miguel Tanfelix.

Pasiklab Award naman ang ipinagkaloob kay Kiko Estrada. Naglaro rin sina JC Tieuseco, Derrick Monasterio, Joko Diaz at iba pang MVR stars.

4john lloyd instagram copy copy

Nanood at sumuporta naman sina Bea Binene at Bianca Umali na nag-cheer sa Team Mulawin. Abangan ang mga susunod na basketball exhibition game ng MVR stars na dadayo sila sa iba’t-ibang key cities para na rin i-promote ang naturang GMA fantaserye.

Kapamilya na

Hindi pa masasabing certified Kapamilya na si Aljur Abrenica dahil hindi pa siya pumipirma ng kontrata. Pero winelkam na siya ng ilang TV executives.

May mga nakalatag na raw gagawing shows si Aljur, kaya abang-abang na lang. A few weeks (or months) ago’y nakitang pumasyal si Aljur sa ABS-CBN, kaya may mga ispekulasyon na lilipat na siya sa naturang network matapos ang kontrata niya sa GMA7 last March this year.

New hairstyle

Bagay naman kay John Lloyd Cruz ang bago niyang hairstyle. Umani ng positive comments. Okey sa fans niya ang kanyang new look.

Walang statement si JLC kaugnay ng bago niyang hairstyle. Kasabihan na kapag nagpagupit ang isang babae ay dahil heart-broken ito. Eh, kapag lalake kaya ang nagpagupit?

Matagal nang break sina JLC at Angelica Panganiban. Naka-move-on na si JLC. Ewan lang si Angelica na mukhang hoping pa rin na magkakabalikan sila.

Nagpagupit din ng buhok si Jennylyn Mercado na bumagay sa kanya ang short hair. Hindi pwedeng isiping heart-broken siya. Happy ang lovelife niya at kasal na nga lang ang kulang sa relasyon nila ni Dennis Trillo.

Wagi

Congratulations kay Angel Locsin na nanalong best supporting actress sa 57th Asia Pacific Film Festival naginanapkamakailansa Phnom Penh, Cambodia. Wagi ang Kapamilya actress for her performance in “Everything About Her.”

Hindi nakadalo si Angel sa Awards Night, kaya nagpasalamat na lang siya sa pamamagitan ng social media. Wagi rin si Angel sa naturang movie bilang best supporting actress sa 1st Eddy’s Awards ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors). No show din si Angel dahil aniya, may inasikaso siyang family matters.

comments