Home » Entertainment » Aktres, pabebe

Aktres, pabebe

KAHIT wala pang pormal na pag-amin sina Angel Locsin at Neil Arce sa relasyong namamagitan between them, may mga nagsasabing “sila” na nga. Kumbaga raw, what you see is what you get.

Untitled-5 copy

Ganito rin ang obserbasyon sa namamagitang relasyon kina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Pabebe pa si Bela kapag tinatanong siya tungkol sa kanila ni Zanjoe.

Ex-girlfriend si Bela ni Neil Arce na ex-boyfriend ni Maxene Magalona. Engaged na ito sa non-showbiz fiancé na si Robert Mananquil.

Si Zanjoe ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na girlfriend ngayon ni Gerald Anderson. Ayaw pa ring umamin nina Bea at Gerald kahit pa obvious namang “sila” na.

Artistahin

Artistahin ang 15-year old daughter ni Roi Vinzon na si Isabela. Marami ang nag-akalang si Isabela ng Team Bamboo ang tatanghaling grand winner sa “The Voice Teens.”

Maski si Jona Soquite ng Team Sarah ay inakalang si Isabela ang mananalo. Si Jona ang nakakuha ng pinakamaraming text votes, kaya siya ang nagwagi.

Hindi man pinalad manalo ang anak ni Roi, given a chance, mukhang may kalalagyan si Isabela sa entertainment scene.

Promising siya as a singer. Kung mahilig din siya umarte, hindi naman katakataka kung magmana siya sa kanyang daddy Roi na isang mahusay na aktor. Napapanood si Roi sa “Mulawin vs. Ravena” na gumaganap bilang Daragit.

Natsa-challenge

Isang malaking karangalan para kay Sanya Lopez na mapabilang siya sa Women to Watch this 2017 ng isang glossy magazine. Sa ginanap na photo shoot, hindi pa rin makapaniwala ang lead star ng “Haplos” na kasama siya sa listahan, kaya sobrang thankful siya.

Nagbago ang pagtingin kay Sanya at gumanda ang takbo ng career niya noong gumanap siya bilang sang’gre Danaya sa “Encantadia.” Hindi lang ganda niya kundi pati akting niya’y napansin, kaya solo lead role na siya sa “Haplos.”

Co-star niya rito si Thea Tolentino na ani Sanya, natsa-challenge siya sa husay nitong umarte. Napansin na niya ‘yun noong nagkasama sila sa “The Half-Sisters.”

“Kabaliktaran si Thea ng ugali niya sa ‘Haplos.’ Kung maldita siya, in real life ay sobrang bait niya. Madali kaming nagkasundo. Vibes agad kami. Siya ang unang nag-a-approach at nag-i-initiate ng topic na mapagkukuwentuhan namin,” saad ni Sanya.

comments