Home » Opinion » Sasabihin ko bang mataba na si misis?

Sasabihin ko bang mataba na si misis?

By: Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Sampung taon na kaming mag-asawa ng misis ko. Nang dalaga pa siya, sexy ang katawan niya, pero ngayong dalawa na ang anak namin, napapabayaan na niya ang katawan niya. In short, tumataba na siya. Gusto ko sana na mag-exercise at mag-diet siya. Paano ko kaya sasabihin sa misis ko na tumataba na siya?

Benson ng Zambales

Hi Benson,
Siraulo ka ba? Gusto mo bang masaktan! Sabihin mo na lahat sa misis mo, may crush kang ibang babae, ginastos mo ang sweldo sa gimik, o natangal ka sa trabaho mo pero wag lang na tumataba na siya! Gulo yan!

Magbigay ka na lang ng mga hint or parinig! Kunyari ikaw ang tumataba at gusto mo magdiet and exercise, yayain mo ang misis mo na sumabay sa’yo!

At kung hindi mo magawa yan, tumahimik ka na lang! Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan kapag sinabi mo yan sa misis mo!

Hi Alex,
Lagi akong nagigising ng alas-singko ng madaling araw para tumae. Kahit madaling araw na ako minsan matulog, magigising ako ng eksaktong alas-singko dahil natatae ako. Ano po kaya ang problema ko?
Sean ng San Juan

Hi Sean,
Wala kang problema! May problema ka kung habang tulog ka, natae ka!

Hi Alex,
Matagal na namin pinagtatalunang makakaibigan itong tanong na ‘to. Tulungan mo naman kami para masettle na naming ito once and for all! Ano ba talaga ang nauna, chicken or egg?

Sandy ng Malabon

Hi Sandy,
Madami na ang sumubok sagutin ang tanong na yan pero sila ay hindi nagtagumpay. Kung sino-sino ng mga experts ang nagtalo-talo at nag-away-away para sagutin ang tanong na yan!

Buti na lang at sumulat ka sa akin dahil matagal ko ng nasagot ang tanong na yan! Pero hindi ko sasabihin sa’yo, ang sasabihin ko ay ang technique para malaman mo kung ano ba talaga ang nauna, chicken or egg! Eto ang technique:

Pumunta ka sa restaurant, umorder ka ng chicken sandwich at egg sandwich, kung sino ang unang i-serve, yun ang nauna!

Sana itong technique na ito ang tumapos sa pagtatalo niyong magkakaibigan!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

comments