Home » Entertainment » Direktor, kinilig kay Lovi

Direktor, kinilig kay Lovi

GINULAT ni Mother Lily Monteverde ang press sa surprise dance number niya sa presscon ng “Woke Up Like This.” Hindi agad siya nakilala dahil naka-basketball outfit with matching shades and cap.

Naka-wig pa na todo-hataw sa pagsayaw kasama ang ilang male dancers.

8Lovi Poe (WULT) copy copy

Naki-join din ang WULT lead stars na sina Vhong Navarro and Lovi Poe with Yana Asistio and former PBB housemates, Cora Maddell and Dionne Monsanto.

After her dance number, lumapit sa table naming si Mother Lily at sinabing hindi raw siya nag-rehearse. “Pwede na akong mag-guest sa ASAP (laughs),” joke ni Mother.

Anyway, bagong pasiklab at very millennial ang dating ng komedya nina Vhong at Lovi sa WULT. First time nag-comedy si Lovi na aniya, na-pressure siya. Out of her comfort zone ang ginawa niya. Thankful siya kay Vhong, sa co-stars nila at kay direk Joel Ferrer for guiding her sa kanyang mga eksena.

Ani direk Joel, kinilig siya kay Lovi noong first shooting day nila. Excited siya to see her at hindi niya malaman kung ano’ng gagawin kay Lovi. “She’s an actress. Nasanay tayo sa pagiging drama actress niya,” saad ni direk Joel.

Ani Lovi, first time siyang walang love scene. Nasanay din daw siya na umiiyak on cue. Pero sa WULT, nadala siya ng co-workers niya sa comedy scenes.

She plays Sabrina, isang maganda, sexy at malditang model. Isang misteryo ang naganap na paggising niya, nasa katawan na siya ng isang lalake.

“Ang hirap umakting na parang lalake,” ani Lovi. “Pinag-aralan ko ang pag-upo, pagkilos, pagsasalita, pagkain ng isang lalake. Grabe, pinakain ako ng sobra-sobra. Lamon talaga. Pansit, kanin at tuyo. The next day, nag-workout ako,” kuwento ni Lovi.

Boyish

Ayon kay Lovi, noong bata pa siya’y boyish siya kumilos. Sa isang exclusive school for girls siya nag-aral. Sa galit sa kanyang mommy niya’y ginupitan siya ng buhok.

Inilipat siya sa ibang eskuwelahan na magkasama ang boys and girls. Afraid siguro ang mommy ni Lovi na maging tomboy siya.

Kung naging lalake siya, sino ang gusto niyang ligawan? “Girl crush ko si Iza Calzado. Ang ganda-ganda niya,” ani Lovi. Kung naging lalake naman siya, gusto niyang maging Ben Wintle (boyfriend ni Iza). “Ang guwapo niya, di ba?” sey ni Lovi.

comments