Home » Headlines » Ex-cop namaril ng bata

Ex-cop namaril ng bata

Ni: Jel Santos

Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) matapos niyang barilin ang isang teenager sa Malabon City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng police ang suspect na si David Bolor, 34. Nadakip siya sa Pampano St., Barangay Longos, Malabon City, dakong 11:55 p.m. at nakuha sa kaniya ang isang .9mm pistol na kargado ng bala.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa Tondo Medical Hospital ang kaniyang biktima, isang 14-year-old Grade 6 student.

Ayon sa police report, lasing ang dating pulis nang dumating sakay ng isang motorsiklo sa Block 58, Barangay Longos.

Bigla niyang nilapitan ang mga batang babae na naglalaro sa kalye at nagtanong ng “Sino ang nagsa-shabu rito?”

Bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa mga bata na mga nagsitakbo dahil sa takot.

Pinaputukan ng suspect ang mga batang babae at tinamaan ang isa sa kanila.

comments