Home » Headlines » Foreman binaril ng kaibigan

Foreman binaril ng kaibigan

By: Jaimie Rose R. Aberia

Patay ang isang 46-taong gulang na foreman matapos barilin kahapon ng kaniyang kaibigan na nag-akusang siya ang dahilan ng kaniyang pagkakalipat sa ibang project sa Malate, Manila.

Kinilala ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District homicide section ang biktima na si Edwin Ocampo, foreman ng JBLS Contractor, residente ng Tuazon Street, San Andres.

Pinaghahanap naman ng police ang suspect na si Roberto Montel, 48, painter, at ang anak nitong si Joel Montel, nasa edad 19-21.

Ayon sa police report, pinuntahan ni Roberto at ng kaniyang anak ang biktima sa kaniyang bahay dakong 5:30 a.m. at sinisi siya sa pagkalalipat niya ng trabaho.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, binaril ni Roberto si Ocampo sa leeg at pagkatapos ay tumakas kasama ang anak.
Dead on arrival ang biktima sa Sta. Ana Hospital.

Naglunsad ng manhunt operation ang police laban sa mag-amang Montel.

comments