Home » News » News Roundup » 12-year-old girl nagbigti

12-year-old girl nagbigti

By: Alexandria Dennise San Juan

Nagbigti ang isang 12-year-old girl sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Payatas-A, Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ng police ang biktima na si Alwena Diaz, Grade 7 student ng Batasan National High School. Base sa initial investigation, ang biktima ay natagpuan ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Cathy na nakabitin mula sa kisame nang dumating ang huli sa bahay galing ng paaralan.

Nylon cord ang ginamit ng biktima sa pagbigti. Ayon kay Maria Victoria Jarabe, 54, ina ng biktima, nakagalitan niya ang kaniyang anak ilang araw bago naganap ang insidente.

Walang external injury na nakita sa katawan ng biktima maliban sa ligature mark sa kaniyang leeg. Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory para ma-autopsy.

comments