Home » News » News Roundup » Lalaki itinumba ng 4 gunmen

Lalaki itinumba ng 4 gunmen

By: Alexanderia Dennise San Juan

Patay ang isang 35-taong gulang na lalaki ng pagbabarilin ng apat na nakamotorsiklong kalalakihan habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Barangay San Roque, Quezon City, bandang 1 a.m. kahapon.

Agad na binawian ng buhay si Geraldo Angeles, dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

Base sa police report, masayang nakikipag-inuman si Angeles sa mga kaibigan sa tapat ng kaniyang bahay sa 19th Avenue, Murphy, Cubao, nang biglang dumating ang apat na lalaking nakasuot ng helmet sakay ng isang motorsiklo.

Isa sa mga salarin ang bumunot ng baril at maraming beses na pinaputukan si Angeles.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang police para makilala ang mga salarin at malaman ang motibo ng pagpatay.

comments