Home » Headlines » Motorbike sinalpok ng truck; 1 patay

Motorbike sinalpok ng truck; 1 patay

By: Alexander Dennise San Juan

Patay ang isang motorcycle rider nang mabangga at masagasaan ng isang truck sa Commonwealth Avenue, Quezon City, Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Leedon Sapinoso dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Bago naganap ang aksidente, parehong binabagktas nina Sapinoso at ng trailer truck na minamaneho ni Oliver Tinapay, 26, ang Commonwealth Avenue patungong Elliptical Road dakong 10:50 p.m., ayon sa police report.

Nang marating ang Central Avenue, sinalpok ng truck ang nasa harapang motorsiklo ni Sapinoso.

Dahil sa lakas ng pagkabangga, tumilampon si Sapinoso.

Nakakulong ngayon si Tinapay sa Fairview Police Station. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

comments