Home » Entertainment » Sharon-Robin, may reunion movie?

Sharon-Robin, may reunion movie?

WHAT? Hiwalay na raw sina Coco Martin at Julia Montes? Wala naman silang inamin na may relasyon sila, hiwalay agad?

Kung hindi man nag-break, diumano’y nagkakalabuan na ang kanilang relasyon.

Ayon sa tsika, in-unfollow na raw nina Coco at Julia ang isa’t-isa sa social media. Hinala ng iba, hindi raw kaya gimik lang ‘yun?

17sharon instagram copy

Kamakailan ay magkahiwalay na interbyu sina Coco at Julia. Pabebe ang sagot ni Julia nang tanungin siya tungkol sa bonding nila sa Hong Kong ng mommy ni Coco. Maang-maangan naman ang actor na kiyemeng hindi raw niya alam ‘yun.

Hindi talaga napilit mapaamin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon. Tapos ngayon, balitang diumano’y hiwalay na sila. Ano ba ‘yun?

Feeling sexy

Wow ha? Payat-payatan na si Sharon Cuneta sa lumabas niyang picture sa social media. Kuha ‘yun sa isang ginanap na benefit fashion show kung saan guest performer ang megastar.

Naka-black-crystal embellished gown si Sharon na si Rocky Gathercole ang designer. Bagay na bagay sa megastar ang creation ng famous designer na aniya, her new wonderful friend. Bakit nga hindi’y he did a wonderful job? Achieved!!!

May K (karapatan) nang maging proud si Sharon sa porma ng kanyang katawan ngayon. Feeling sexy na ang megastar.

Pero may mga nagdududa na hindi raw kaya photoshopped lang o niretoke ang sexy figure ni Sharon? Well…

In any case, how true kaya na magbabalik-tambalan sina Sharon at Robin Padilla sa isang pelikula? Kung tinanggihan ni Gabby Concepcion ang reunion movie nila ng kanyang ex-wife, no problem kay Robin na makatrabaho muli ang kanyang ex-girlfriend na hanggang ngayon ay Ma’am pa rin ang tawag niya.

Pinanood pa nga ni Robin ang Cinemalaya entry ni Sharon, “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” at pinuri niya ang akting ng megastar. Sayang at hindi nag-win si Sharon bilang best actress na pinagwagian ni Angeli Bayani sa pelikulang “Bagahe.”

Unfair

Unfair naman kay Erich Gonzales na inili-link siya kina Jericho Rosales at direk Paul Soriano na parehong married men. Gumawa lang sila ng pelikula, link agad?

How true, dumalaw daw sa shooting ang wife ni Jericho na si Kim Jones?

Kampante naman si Toni Gonzaga at buo pa rin ang tiwala niya sa kanyang husband-director. Wala pa naman daw siyang nararamdamang woman’s intuition para paghinalaan ang kanyang mister.

comments