Home » Entertainment » Solenn Heussaff plans to get pregnant at age 34

Solenn Heussaff plans to get pregnant at age 34

By RUEL J. MENDOZA

BINIBIGYAN ng Kapuso sexy actress na si Solenn Heussaff ang kanyang sarili ng dalawang taon pa para simulan ang baby plan nila ng kanyang mister na si Nico Bolzico.

“Now kasi, I’m 32 and I will give myself two more years bago magbuntis.

17solenn instagram copy

“Marami pa kasi tayong kailangan matapos na mga commitments sa career ko and getting pregnant now is not the right time din.

“I know why Nico is always making kulit na magka-baby na kami because he’s worried na baka when the time comes na gusto ko nang magbuntis, mahihirapan na ako.

“But I’m happy that Nico is concerned about me. Siya kasi, walang akong worry.

“Sabi nga niya sa akin, ‘Don’t worry about me. I’m a stallion. I’m always good to go!’” tawa pa ni Solenn.

Dahil sa kasama si Solenn sa cast ng “Alyas Robin Hood” ng GMA-7, worried na naman si Solenn dahil muling mababawasan ang oras at panahon niya para kay Nico.

Noong panahon na busy si Solenn sa telefantasya na “Encantadia,” halos hindi na raw sila nagkikita nito.

“Ilang months din naman akong bumawi sa kanya after ‘Encantadia.’

“Noong matapos ‘yung ‘Encantadia’ and ‘Full House Tonight,’ doon na ako nagkaroon ng maraming time for Nico kasi ‘Food Buddies’ na lang ‘yung ginagawa ko.

“We travelled a lot. I made bawi kasi alam kong he got frustrated sa mga dates na naka-cancel because I was so busy working.

“But now, aside sa ‘Alyas Robin Hood,’ I have another show with GMA-7, so heto na naman tayo, busy again.

“Pero si Nico naman, kapag ako naman ang walang work, siya ang wala.

“He’s either in Cagayan de Oro or GenSan. May mga business kami doon and he oversees everything.

“It’s okay because we always talk and that’s what’s important sa mag-asawa, ‘di ba?” pagtapos pa ni Solenn Heussaff.

comments