Home » Entertainment » Christian, game sa butt exposure, frontal nudity

Christian, game sa butt exposure, frontal nudity

HINDI pa rin makapaniwala ang baguhang aktor na si Christian Bables sa magandang nangyayari sa kanyang career matapos siyang lumabas sa “Die Beautiful,” produced by IdeaFirst Company. Nagwagi siya bilang best supporting actor sa 2016 Metro Manila Film Festival at Gawad Urian para sa naturang pelikula.

Christian Bables copy copy

“Before ‘Die Beautiful,’ I was nobody. IdeaFirst Company made me. Salamat sa kanilang tiwala sa akin. Feeling ko, kapamilya ko na sila,” words to that effect na sabi ni Christian sa presscon ng IdeaFirst Company kung saan ini-launch ang kanilang contract artists at young directors.

Isa si Christian sa contract artists ng IdeaFirst Company na pag-aari ng real-life partners na sina direk Jun Lana at Perci Intalan. Isa ngayon si Christian sa busiest young actors at apat na pelikula ang halos magkakasabay niyang ginawa.

Ani Christian, hindi pa rin siya makapaniwala sa overwhelming attention na nakukuha niya ngayon. “It’s too good to be true. Go with the flow na lang,” he said.

Sa isang pelikulang ginawa niya, directed by Chito Roño ay may butt exposure si Christian. Aniya, kailangan talaga ‘yun sa istorya kaya pumayag siya. Willing din siyang mag-frontal nudity. Kahit daw ano pang ipagawa sa kanya, game siya.

“Dahil sa passion ko sa acting. Kung ano’ng normal na ginagawa o nangyayari, handa akong gawin,” wika pa ni Christian.

comments