Home » News » News Roundup » Holdup suspect arestado

Holdup suspect arestado

By: Jaimie Rose R. Aberia

Arestado ang isang lalaki matapos siyang mangholdap sa loob ng isang passenger jeep sa Malate, Manila Huwebes ng gabi.

Kinilala ng police ang suspect na si Danny Escubido, 31, residente ng Villanueva Street, Pasay City. Ayon sa police report, namataan ng mga operatiba ng Remedios Police Community Precinct ang pagkakagulo sa loob ng passenger jeep sa Mabini Street dakong 11 p.m., Huwebes.

Agad silang rumesponde at nadakip si Escubido, ngunit nakatakas ang kaniyang kasapakat na nakilala lamang sa alias na Vince o Alvin, may taas na 5’4 to 5’5, at mahaba ang buhok.

Nakumpiska ng police mula sa suspect ang isang gun replica. Nagsasagawa ng follow-up operations ang police para madakip ang nakatakas na kasamahan ni Escubido.

comments