Home » News » News Roundup » 2 cops ninakawan

2 cops ninakawan

By: Kate Louise B. Javier

Dalawang pulis ang natangayan ng mga baril at P18,000 halaga ng pera at gamit nang looban ng masasamang loob ang kanilang inuupahang apartment sa Caloocan City Martes ng gabi.

Kinilala ni Senior Police Officer 2 Allan P. Budios ang complainants na sina PO1 Jeremy Turuel, 24 at PO1 Jovanni Galiza, 29, parehong naka-assign sa Police Community Precinct (PCP) 6.

Ayon sa dalawa, bandang 9 p.m. nang madiskubre nilang sapilitang binuksan ang pintuan ng kanilang apartment sa Barangay 170, Deparo, Caloocan.

Ang dalawang pulis ay sumasailalim sa Basic Internal Security Operation Course (BISOC) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Taguig City nang mangyari ang panloloob sa apartment.

Kinuha ng mga magnanakaw ang dalawang .9mm pistols nina Turuel at Galiza, P15,000 cash at isang relo.

comments