Home » Entertainment » Pamilya ni Joshua, hindi boto kay Julia?

Pamilya ni Joshua, hindi boto kay Julia?

IBINUKING ni direk Antoinette Jadaone sa presscon ng “Love You to the Stars and Back” na Baba ang tawagan sa isa’t isa nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nilito-lito pa ni Joshua ang press nang tanungin sa estado ng kanilang relasyon. Aniya, getting-to-know pa lang sila. Kinontra siya ni Julia na nagsabing they know each other very well. “I know him well enough.”

24Julia Barretto & Joshua Garcia copy copy

Later, inamin ni Joshua na nanliligaw siya kay Julia. Sabi ng dalaga, kahit work ang priority niya, importanteng tao sa kanya si Joshua at hindi naman magiging problema sakaling pagsabayin niya ang career at lovelife.

Sino ang pipiliin niya between Joshua and Ronnie Alonte? “Mas komportable ako kay Joshua,” mabilis na sagot ni Julia.

“Kinilig ako. Masaya ako na ako ang pinili ni Julia,” ani Joshua.

Ayon kay Julia, nagseselos si Joshua sa maraming bagay, pero hindi na siya nag-elaborate. Hindi tuloy kumbinsido ang press na nasa ligawan stage pa lang sila. Nang tanungin ng isang reporter si Joshua sa panliligaw niya kay Julia, parang hirap i-express ng binata ang gusto niyang sabihin. To the rescue sana si Julia. Pero pinigilan siya ng reporter, halatang nag-iba ang mood ni Joshua.

Hinawakan ni Julia ang isang kamay ni Joshua. Hanggang natapos ang Q & A portion, hindi binitiwan ni Julia ang kamay ni Joshua para pakalmahin ito.

Boto

Nasa presscon ng “Love You to the Stars and Back” si Marjorie Barretto, kaya pati siya’y natanong tungkol sa relasyon nina Joshua at Julia. Ani Marjorie, kung saan masaya ang anak niya, okey sa kanya.

“Basta protective sa anak ko. Basta inspired sila,” saad pa ni Marjorie na aniya pa, cool mom siya.

Ayon naman sa isang reporter, may nakausap daw siyang isang kamag-anak ni Joshua na nagsabing hindi diumano boto ang pamilya nito kay Julia. Tinanong ni Joshua kung ano’ng pangalan, pero tumanggi ang reporter dahil baka raw awayin niya ‘yun.

“Handa mo bang ipaglaban si Julia sa pamilya mo?” tanong ng reporter. “Opo. Mabuting tao po siya,” sabi ni Joshua.

Showing on August 30 ang “Love You to the Stars and Back” na prodyus ng Star Cinema. Tampok din sina Cherry Pie Picache, Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Edgar Allan Guzman, Maricar Reyes, atbpa.

comments