Home » News » News Roundup » Babae dedo sa pamamaril

Babae dedo sa pamamaril

By: Jean Fernando

Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang 32-taong gulang na babae ng dalawang nakamotorsiklong salarin habang naiipit sa traffic sa Las Piñas City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Marion Balonglong, Las Piñas police chief, ang biktima na si Rachel Rivera Fajardo, residente ng 634 San Francisco St., Daniel Fajardo, Las Piñas City. Dead on the spot siya dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Naganap ang pamamaril dakong 12:30 p.m. sa Naga Road malapit sa Congruent Glass Aluminum Supply sa Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Base sa CCTV footage, nakasakay ang biktima sa gray Toyota Vios (ABR-6683) na naipit sa traffic sa Naga Road nang bigla siyang lapitan at barilin ng dalawang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo.

Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at ang shoulder bag ng biktima na may lamang personal na gamit at mga dokumento ng sasakyan.

Sinabi ng city police chief na iniimbestigahan pa nila ang insidente.

comments