Home » News » News Roundup » Ginang patay nang tumalon mula 17th floor ng QC building

Ginang patay nang tumalon mula 17th floor ng QC building

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang babae nang tumalon mula sa 17th floor ng isang residential building sa Quezon City kahapon.
Kinilala ni invenstigator Roldan Cornejo ang nasawi na si Lyn Supnet, 39.

Dead on the spot and biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Bago naganap ang insidente, binisita ni Supnet ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Ramona Bejo sa kaniyang unit sa Tower 2, Grass Residences sa Barangay Sto. Cristo, bandang 12:00 p.m.

Sinabi ni Bejo na nakita niya si Supnet na nakatayo sa veranda ng kaniyang unit sa 17th floor at kinakausap ang sarili, kung kaya’t dinala niya sa loob ng bahay ang kapatid.

Ilang minuto ang nakalipas, abala si Bejo sa paper works nang makita niyang bumalik ang kaniyang kapatid sa veranda at biglang tumalon.

Mabilis na nahablot ni Beho ang kamay ni Supnet ngunit dumulas ang kaniyang pagkakahawak kung kaya’t tuluyan nang nahulog ang biktima.

Ayon sa asawa ng biktima na si Raydrick, naging kakaiba ang kilos ng kaniyang maybahay matapos isilang ang kanilang ikaapat na anak.

Dinala ang katawan ni Supnet sa PNP Crime Laboratory habang iniimbestigahan ang kaso.

comments