Home » Entertainment » Malak So is now Adrianna So

Malak So is now Adrianna So

By GLEN P. SIBONGA

NAGPALIT na ng pangalan ang dating TV5 talent at produkto ng Artista Academy na si Malak So. Siya na ngayon si Adrianna So. Isa siya sa tatlong artista, kasama sina Christian Bables at Cedrick Juan, na inaalagaan ngayon ng The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Robles Lana.

Untitled-1 copy

Bakit pa niya kailangang palitan ang pangalan niya? “I think it’s about time, kasi five years ago I really wanted to change my name (after Artista Academy). It just so happen that they didn’t. Well, we have to accept the fact that no one can pronounce Malak as perfect as Malak, and pati ‘yung surname ko was dropped (Shdifat). So, it was down to my middle name (So). People remember me as the girl with the difficult name. So, it’s about time to find a new name. They suggested some names. And we came out with Adrianna So. Adrianna is close to my heart, that’s why I chose it,” paliwanag niya.

Masaya lang si Adrianna na kasabay ng pagpapalit ng kanyang pangalan ay nakahanap na siya ng bagong management team sa ilalim ng The IdeaFirst Company. “Straight out of college I signed up with TV5 from Artista Academy. Sobrang love ko rin naman ‘yung TV5, but after my contract, there wasn’t any jobs available for us. It just so happen that Sir Perci was my boss in 2012. And then we talked about it. Then wine-weigh ko kung saan ‘yung pag nag-work ako ‘yung masayang-masaya ako at magaan ‘yung loob ko. So, talagang Idea- First iyon. Siyempre excited ako. Finally, eto ‘yung family na super comfortable ako. So, I’m happy.”

Mula nga sa pagganap ng kontrabida at support roles noon, magiging bida na si Adrianna sa upcoming Cignal Entertainment series na “The Orbiters,” kasama si Cedrick. “Actually, umiikot sa character ko ‘yung story kasama ‘yung iba. Medyo good girl na siya ngayon, hindi na villain ang role ko. Iba po sa feeling, first time ko pa lang po magbida talaga e. I’m happy sa career path at opportunities na ibinibigay sa akin ng IdeaFirst.”

comments