Home » News » News Roundup » Babae, 61, nasagasaan ng truck

Babae, 61, nasagasaan ng truck

By: Alexandria Dennise San Juan

Nasawi ang isang 61-taong gulang na babae matapos masagasaan ng truck sa Quezon City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Quezon City Police District Traffic Sector 1 ang biktima na si Estelita Selorio, nakatira sa Kaunlaran Village, Navotas City. Patay agad siya dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sinabi ng driver ng oil delivery truck na si Ronnie Abad na binabagtas niya ang EDSA nang biglang niyang naramdaman na may nasagasaan siya sa tapat ng Balintawak Market dakong 2 p.m.

Nang tumingin siya sa side mirror, nakita niya si Selorio na duguang nakalugmok sa kalsada.

Agad na inaresto si Abad at nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

comments