Home » Entertainment » Kiko Estrada, nag-aalala for Barbie

Kiko Estrada, nag-aalala for Barbie

“I wanna be the best actor. I wanna prove to everyone na kaya kong magbida at/o mag-kontrabida sa kahit ano’ng project na ibigay sa akin,” strong words at full of confidence na pahayag ni Kiko Estrada sa panayam sa kanya sa set ng “Mulawin Vs. Ravena.”

Aniya pa, magagaling na aktor ang pinanggalingan niya, mula sa kanyang lolo Joseph Estrada, his late lolo George Estregan (father ng kanyang daddy Gary Estrada), his late lolo Paquito Diaz (father ng kanyang mommy Cheska Diaz ) at tito Joko Diaz (kapatid ng kanyang mommy Cheska).

“Sila ang mga idolo ko, kaya I’m trying my very best na maging isang magaling na aktor din,”wika pa ni Kiko.

Wala siyang lovelife ngayon dahil career ang kanyang priority. Happy siya for his ex-girlfriend Barbie Forteza na in a relationship ngayon kay Jak Roberto. “Hindi ko siya (Jak ) kilala. Nag-aalala ako for Barbie. Minahal ko siya for a time,” saad ni Kiko.

Minahal din daw niya si Kim Rodriguez na naging girlfriend din ni Kiko. Nag-aalala rin daw siya for her. Nali-link ngayon si Kim kay Ken Chan. Pero sa isang interbyu, sinabi ni Kim na good friends lang sila ni Ken.

Back to Kiko, biniro siya na mukhang hindi siya nagmana sa pagiging playboy o chickboy ng kanyang daddy Gary, pati ng kanyang lolo Joseph at lolo George noong kabataan ng mga ito. “Gusto kong mag-focus sa career ko, kesa lovelife. Ang goal ko kasi, maging best actor,” ani Kiko who plays Rafael in “Mulawin Vs. Ravena.” Ang next project niya sa Kapuso Network ay pagtatambalan nila ni Janine Gutierrez. “I’m so excited to work with Janine,” he said.

comments