Home » News » News Roundup » Lalaki nagbigti

Lalaki nagbigti

By: Lorenzo Jose Nicolas

Isang 23-taong gulang na lalaki ang nagbigti sa loob ng kaniyang bahay dahil umano sa family problem sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng police ang nagpakamatay na si Julius Gastones, 23, ng G-50 Abbey Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Base sa initial investigation, nakipag-inuman si Gastones sa kasamahan niya sa bahay na si Vetonio bago naganap ang insidente.

Sinabi ni Vetonio sa police na natagpuan niyang nakabitin si Gastones mula sa congrete wall ng kanilang bahay dakong 8:00 p.m.. Isang black nylon cord ang ginamit ng biktima sa pagbigti sa sarili.

comments